Simpleng Buhay

Halos di ko naramdaman ang galaw ng eroplano papuntang Romblon.  Noong una, natatakot akong sumakay, kasi naman sabi nila, maalon daw pag naglayag ka sa barko, magalaw daw sa taas pag nag eroplano ka naman. Sa isang maliit na komersyal na eroplano ako sumakay. Akala ko noong una yung mga ganitong klaseng eroplano ay mahirap pagtiwalaan. Suguro, magaling lang talaga ang piloto na naghatid sa amin ditto sa Romblon. Maayos kaming nakalapag.

Ang Odiongan ay isa sa mga probinsya ng Romblon. Akala ko wala akong makikita sa Romblon kundi mga marmol at mga naglalakihang alon ng dagat. Kung ilalarawan ko, ang Odiongan Romblon ay parang isang maliit na subdibisyon sa Quezon City. Subalit ang malaking pagkakaiba lang, higit na tahimik dito, wala yata akong nakitang taong nakahubad, wala akong nakitang nag-iinuman sa kalye, walang malakas na tunog ng mga stereo ng mga kapitbahay. Isa itong perpektong komunidad. May simbahan, paaralan, palengke,  di ka gugugol ng maraming hakbang para mapuntahan mo ang gusto mong puntahan.

Sa kabilang dulo ay mararating mo ang Tablas Strait, ito ang dagat na pumapalibot sa Romblon. Sandali ko siyang tinignan at napangiti sa hiwaga ng buhay.  Simple lang naman talaga ang buhay tutuusin, tao lang talaga ang nagpapakomplikado ng lahat. Kung ang lahat ng tao ay di masyadong mangangarap, siguro walang masyadong problema tayong dadanasin. Pero ganun talaga e, kelangan mong mangarap at kelangan kong marating ang di ko naman alam kung saan. Diyos lang naman talaga ang nakakaalam ng lahat e.

Natanong ko lang sa sarili ko, may mga tao pa kayang nangangarap ng simple, may mga tao pa kayang kuntento na sa binigay na yaman ng Diyos.

Bumalik ulit ako sa hotel na tinutuluyan ko, sabi ko, i blo blog ko to, gusto kong basahin ulit ang larawan sa isip ko. Di ko dala camera ko, pero, malinaw ang nasa isip ko. Salamat po Panginoon sa haplos mo sa kin kanina. Salamat po at kahit paminsan minsan tinatapik mo ko, sinasabihan na Dahan dahan lang, ang buhay ay sapat na para ipagpasalamat. Simple di ba?



  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.